Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan at militar ang isang Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Rape Through Sexual Assault sa bayan ng Quezon, Isabela.
Kinilala ang naarestong akusado sa alyas na “Paul,” 33-anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela na nadakip bandang 12:35 ng tanghali ngayong araw, Mayo 25, 2026 sa Purok 1, Brgy. Barucboc Norte, Quezon, Isabela sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Mayo 15, 2026, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng Php200,000.00.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Quezon Municipal Police Station katuwang ang RID2, PIU-IPPO, 3rd MP-Lepanto Forward Operating Base-201st MC RMFB2, Isabela-PHPT, at Isabela-PIT.
Dinala sa kustodiya ng Quezon MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at turnover sa hukuman na naglabas ng warrant.











