--Ads--

Tinatayang aabot sa $30 bilyon ang posibleng pumasok na pamumuhunan sa digital at artificial intelligence (AI) sector sa Pilipinas sa ilalim ng Philippines AI+ Infrastructure Masterplan (PAIIM) 2033, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, target ng pamahalaan ang pagtatayo ng 1.5 gigawatts (GW) ng AI-ready data center capacity upang suportahan ang lumalawak na digital economy ng bansa.

Layunin ng PAIIM 2033 na palakasin ang AI at digital infrastructure at gawing regional hub ang Pilipinas para sa artificial intelligence at innovation. Inaasahan din na makalilikha ito ng humigit-kumulang 500,000 AI-related jobs at magpapataas ng GDP ng 10% hanggang 12% sa pamamagitan ng digital transformation.

Inaasahang maaaprubahan ng Economy and Development (ED) Council ang masterplan sa Hulyo matapos ang pag-endorso ng Infrastructure Committee level.Tinatayang aabot sa $30 bilyon ang posibleng pumasok na pamumuhunan sa digital at artificial intelligence (AI) sector sa Pilipinas sa ilalim ng Philippines AI+ Infrastructure Masterplan (PAIIM) 2033, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

--Ads--

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, target ng pamahalaan ang pagtatayo ng 1.5 gigawatts (GW) ng AI-ready data center capacity upang suportahan ang lumalawak na digital economy ng bansa.

Layunin ng PAIIM 2033 na palakasin ang AI at digital infrastructure at gawing regional hub ang Pilipinas para sa artificial intelligence at innovation. Inaasahan din na makalilikha ito ng humigit-kumulang 500,000 AI-related jobs at magpapataas ng GDP ng 10% hanggang 12% sa pamamagitan ng digital transformation.

Inaasahang maaaprubahan ng Economy and Development (ED) Council ang masterplan sa Hulyo matapos ang pag-endorso ng Infrastructure Committee level.