--Ads--

Umabot na sa 65 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.

Sa Situational Report, iniulat ng ahensya na apektado ang kabuuang 176,186 pamilya o 736,386 indibidwal dahil sa lindol.

Sa mga naapektuhan, 3,180 pamilya o 14,161 katao ang nananatili sa 37 evacuation centers, habang 14,687 pamilya o 59,013 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa ibang lugar.

Naitala rin ang 1,447 na sugatan kaugnay ng pagyanig, habang 36 katao pa ang nananatiling nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

--Ads--