--Ads--
Pumalo na sa 4 ang bilang ng nasawi matapos ang naganap na pamamaril sa loob ng paaralan sa Tacloban City.
Hindi na nakayanan ng pinakahuling biktimang estudyante ang tinamo nitong sugat habang ito ay nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan.
Kinumpirma ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagkasawi ng ikaapat na biktima sa oras ng ala-7 nitong gabi ng Lunes, Hunyo 22.
Mayroon ding 15 ng mga mag-aaral mula sa San Jose Natonal High School ang kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.
--Ads--
Magugunitang naaresto na ng mga otoridad ang dalawang suspek sa nasabing pamamaril kung saan ang isang baril na ginamit nila ay pag-aari pa ng isang babaeng pulis habang ang .38 caliber na baril ay nakarehistro sa isang security agency.











