--Ads--

Nagbigay ng mahahalagang paalala ang Isabela Provincial Highway Patrol Group (HPG) sa mga may-ari ng motorsiklo at iba pang sasakyan upang maiwasan ang insidente ng carnapping sa lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMap Renoli Bagayao, sinabi nito na ang pinakakaraniwang modus ng mga carnapper ay ang tinatawag na “stolen while parked unattended,” o pagnanakaw ng motorsiklo habang ito ay nakaparada at walang nagbabantay.

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit madaling natatangay ang mga motorsiklo ay ang pag-iiwan ng susi sa ignition o nakasaksak pa rin sa sasakyan.

Dahil dito, mahigpit niyang pinayuhan ang mga motorista na huwag kailanman iwan ang susi sa kanilang motorsiklo o sasakyan kahit sandali lamang.

--Ads--

Bukod dito, hinikayat din ng opisyal ang publiko na maglagay ng mga karagdagang security device gaya ng GPS tracker, car o motorcycle alarm, steering lock, at padlock o kadena upang mas maging mahirap para sa mga carnapper na matangay ang sasakyan.

Binanggit ni PMaj. Bagayao na kamakailan lamang ay may naitalang insidente ng carnapping sa Alicia na kalaunan ay na-recover ng mga awtoridad sa Cauayan City.

Samantala, Aminado ang HPAG na may mga insidente ng Carnapping na kahit naka lock ang sasakyan ay nagagawa parin nilang makuha ang target na motorsiklo kaya naman pinapayuhan ang mga motorista na ugaliing pumarada sa ligtas na lugar.

Halimbawa aniya dito kung gabi ay pumarada lamang sa maliwanag na lugar, may security guard at may cctv camera.

Sa ganitong paraan aniya ay maiiwasan na manakawan ng motorsiklo o kung hindi man ay mas mapapadali ang pagtugis sa mga sangkot o suspek dahil sa mga cctv footage.

Sakabila naman ng mga naitatalang insidente wala pang namomonitor na malaking grupo ang HPG Isabela sa likod ng mga naitatalang nakawan ng sasakyan dahiil karaniwang mga sangkot dito ay pawang mga kabataan.