--Ads--

Nakapagtala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 18 barko ng China sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea mula Agosto 4 hanggang 10.

Sinabi ni AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na kabilang sa mga namataan ang mga sasakyang-pandagat ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army Navy (PLAN).

Sa bilang na ito, walong CCG vessels ang nakita sa Ayungin Shoal, habang isang PLAN vessel at pitong CCG vessels naman ang namonitor sa Bajo de Masinloc.

May tig-isang CCG vessel ding namataan sa Escoda Shoal at sa Pag-asa Islands.

--Ads--

Matatandaang noong Hulyo ay nakapagtala ang AFP ng kabuuang 48 Chinese vessels sa West Philippine Sea.