--Ads--

Nabigo ang Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala na makausad sa semifinals ng Pan Pacific Open matapos matalo kay Diana Shnaider ng Russia sa quarterfinals nitong Biyernes sa Japan.

Nagtapos ang kanilang laban sa iskor na 2-6, 7-6(5), 6-4 pabor kay Shnaider matapos ang tatlong sets na sagupaan.

Nakuha ni Eala ang unang set, ngunit nakabawi si Shnaider sa ikalawang set sa pamamagitan ng tiebreak bago tuluyang makuha ang panalo sa deciding third set.

Sa ikatlong set, nakaranas din ng problema sa kaliwang paa si Eala kaya humiling ito ng medical timeout habang lamang na si Shnaider.

--Ads--

Sa kabila ng pagtatangkang makabawi ng Filipina, napanatili ni Shnaider ang kalamangan hanggang tuluyang maselyuhan ang panalo at ang puwesto sa semifinals.

Makakaharap naman ni Shnaider si Mia Pohankova sa semifinals matapos nitong talunin si Naomi Osaka sa quarterfinals sa iskor na 7-6(3), 6-3.