Ipinatupad ang malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo nitong Martes, Nobyembre 24, kung saan pinakamalaki ang ibinaba ng gasolina na umabot sa tatlong piso kada litro, batay sa pagtaya ng Department of Energy (DOE).
Ayon sa DOE, bumaba ng ₱3 kada litro ang gasolina, ₱2.60 ang diesel at ₱1.60 naman ang kerosene.
Batay naman sa datos ng DOE noong Nobyembre 20, mayroon pang tinatayang 51 araw na suplay ng produktong petrolyo ang bansa, kabilang ang 54.74 araw na suplay ng diesel, 51.89 araw ng gasolina at 33.29 araw ng LPG.
Samantala, pinaalalahanan ni Energy Secretary Sharon Garin ang mga gasolinahan na sundin ang itinakdang price adjustments. Mahigit 200 show-cause order na rin umano ang inilabas ng DOE laban sa mga gasolinahang hindi sumunod sa price computation ng ahensya.











