Sisimulan ng PLDT ang kampanya para depensahan ang titulo kontra Choco Mucho sa pagpapatuloy ng 2026 PVL On Tour ngayong gabi sa Chavit Coliseum sa Vigan City, Ilocos Sur.
Magtutuos ang High Speed Hitters at Flying Titans alas-6:30 ng gabi matapos ang laban ng Nxled at Capital1 alas-4 ng hapon.
Hawak ng ZUS Coffee ang 2-0 rekord habang may tig-isang panalo ang Creamline at Galeries Tower. Wala pang panalo ang Choco Mucho, Nxled, Farm Fresh at Akari.
Aasahan ng PLDT sina Savi Davison, Kim Kianna Dy, Majoy Baron, Mika Reyes at Kim Fajardo. Samantala, wala pa ring serbisyo ng national team members na sina Eya Laure, Dawn Catindig at Sisi Rondina para sa Choco Mucho dahil sa paghahanda para sa Asian Games.
Sa unang laro, maghaharap ang Nxled at Capital1 na kapwa naghahanap ng unang panalo sa torneo matapos matalo sa kanilang mga naunang laban.










