--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang binata matapos na magsariling maaksidente sa Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Julius Telan, Deputy chief of police ng San Mariano Police Station, sinabi niya na maghahatid sana ng pananghalian sa kanilang trabahador na nagbibilad ng palay ang biktima nang maganap ang aksidente.

Aniya, binabagtas ng motorsiklo na kinalululanan ng biktima ang barangay road at nang mag-over take siya sa 6×6 truck na kanyang sinusundan ay nawalan siya ng kontrol dahil sa nakabilad na mais sa kalsada.

Natumba sa daan ang biktima at dahil walang suot na helmet ay tumama ang kanyang ulo sa kalsada na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

--Ads--

Ayon kay PCapt. Telan, paulit ulit na nilang ipinapaalala sa mga motorista ang pagsusuot ng helmet tuwing nagmamaneho ng motorsiklo dahil malaking tulong ito na proteksyon sa kanilang sarili.