--Ads--

Ipinahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na handa itong higpitan ang monetary policy upang makontrol ang inflation.

Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., maaaring asahan ang sunod-sunod na “modest” rate hikes habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis at iba pang bilihin.

Ang “modest rate hikes” ay tumutukoy sa maliit o paunti-unting pagtaas ng interest rates, karaniwang nasa 0.25 porsyento kada hakbang upang dahan-dahang mapabagal ang paggastos at makontrol ang inflation nang hindi agad naaapektuhan ang ekonomiya.

Kamakailan, itinaas ng BSP ang interest rate sa 4.5 porsyento—ang unang pagtaas sa loob ng mahigit dalawang taon.

Layunin nitong pabagalin ang paggastos upang mapigil ang pagtaas ng presyo, kahit may panganib na bumagal ang ekonomiya.

--Ads--

Tinatayang aabot sa 6.3% ang inflation ngayong taon, lampas sa target na 2% hanggang 4%.