Nananatiling nasa ilalim ng Blue Alert Status ang Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa Bagyong “Dante” at isang Low Pressure Area (LPA) na kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Benita Sigua ng Cagayan PDRRMO aktibo pa rin ang “Bravo Protocol”, at nakahanda ang mga rescue assets at response clusters.
Aniya binabantayan ng 7 istasyon ng Task Force Lingkod Cagayan–Quick Response Team ang kani-kanilang lugar para sa agarang aksyon.
Matatandaan na naibaba mula sa Red Alert ang status matapos lumabas ng PAR ang bagyong “Crising,” ngunit nananatiling naka-monitor ang PDRRMC sa panibagong sama ng panahon
Payo ng PAGASA sa publiko maging handa sa malakas na ulan, baha, at pagguho ng lupa.
Patuloy na maging alerto sa mga weather advisory at babala.Mahalaga ang koordinasyon sa mga LGU at barangay officials para sa mas maayos na preparedness efforts.










