--Ads--

Muling isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng ₱50 kada kilo na price cap sa imported rice sa loob ng 60 araw kasunod ng pagbagal ng inflation rate nitong Hunyo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nagpapakita ang pagbaba ng inflation at rice inflation na epektibo ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain para sa mga mamimili.

Nais ng DA na maprotektahan ang publiko laban sa biglaang pagtaas ng presyo ng imported rice habang tinitiyak ang sapat na suplay sa merkado.

Samantala, pinag-aaralan pa ng Malacañang kung palalawigin ang naturang price cap na nag-expire noong nakaraang buwan.

--Ads--