--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasamsaman ng mga bala ng iba’t ibang uri ng baril ang isang dating Barangay Kapitan sa pagsisilbi ng tatlong Search Warrant ng pinagsanib na puwersa Regional Special Group Cordillera at Kalinga Police Provincial Office.

Ang pinaghihinalaan ay si Reynold Gongob, 47-anyos, dating punong barangay at isang negosyante.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Jet Sayno, Team Leader ng Regional Drug Enforcement Unit na katuwang nila ang Regional Special Operations Group sa pagsisilbi ng tatlong warrant of arrest laban sa pinaghihinalaan.

Ipinalabas ni Hukom Jerson Angog ng RTC Second Judicial Region, Branch 25, Bulanao, Tabuk City, Kalinga ang mga search warrant.

--Ads--

Nasamsam sa pinaghihinalaan ang isang karton na may laman na 26 7.62mm ammunition; isang box na naglalaman ng 51 5.56mm ammunition, dalawang .45mm ammunition; 4 na piraso ng blasting cap at fuse, isang gun supressor, tatlong 5.56 short magazine, .45mm magazine at isang MI911 A2 Cal.45 pistol case at bandolier.

Idinagdag pa ni PMaj. Sayno na nakuha rin ang nasa halos P200,000 halaga ng shabu.

Nasamsam din ang dalawang unit ng chainsaw na nakuha sa kanyang bahay kabilang ang 61 narra flitches, 7 molave flitches at 5 kahoy ng acacia.

Sa talaan ng mga otoridad una nang nahuli ang akusado noong  taong 2016 dahil sa iligal na droga ngunit sumailalim sa plea bargaining noong 2018.

Tinig ni PMaj. Jet Sayno.