CAUAYAN CITY- Wala ng buhay ng natagpaun ang isang lalaki na nakahandusay sa isang banakteng lote sa Barangay Purok 5 Brgy. San Pedro Tumauini, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao ang Hepe ng Tumauini Police Station sinabi niya na nakilala ang nasawing lalaki na si Noberto Tagafu, 54-anyos na residente ng Brgy. Balug Tumauini, Isabela.
Aniya isang Boy Danao ang nag ulat sa pagkakatagpo sa bangkay ng biktima.
Batay sa salaysay ng saksi iihi sana siya sa bakanteng lote ng makita niya ang nakahandusay na lalaki na kalaunan ay nakilala ng isang Ismael Curugan.
Ayon sa kanila ang biktima ay dating trailer truck driver sa isang buying station sa lugar.
Alas onse ng umaga noong Dec. 15 aniya ng huling nakita ang biktima na naglalakad sa lugar at nagtungo sa bakanteng lote subalit hindi na umano napansin na lumabas.
Sa diskripsyon ng Pulisya sa pagkakatagpo sa bangkay ay mukhang nasa proseso umano ito ng pagbabawas at nakababa ang shorts subalit doon na rin umano nawalan ng malay ang biktima.
Ayon sa Pamilya bago ang insidente ay iniinda na umano ng biktima na masama ang pakiramdam nito at nawalan pa ng malay ng suriin ay wala naman umano itong highblood subalit may sakit sa puso.
Sa kabila ng masamang pakiramdam ay nagpaalam umano ang biktima na lalabas at naglakad patungo sa dati niyang pinapasukang buying station hanggang sa nakaramdam umano ito ng pagkahilo at umalis.
Dito na aniya nagpunta sa bakanteng lote ang biktima kung saan siya binawian ng buhay.