Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver ng puting van na sangkot sa naitalang hit-and-run incident sa Minante Dos, Cauayan City, Isabela noong gabi ng Marso 10 matapos na hindi sumipot sa inaasahang pagsuko kahapon.
Ang driver ay kinilalang si Marcelino de Guzman.
Ayon sa ulat, inaasahan sana ng mga awtoridad na kusang susuko si De Guzman kahapon upang harapin ang mga reklamong maaaring isampa laban sa kanya, subalit hindi ito dumating.
Dahil dito, patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng mga awtoridad upang agad na mahanap at maaresto ang suspek.
Samantala, ang isang lalaki na lulan din ng naturang van na si alias “Roger” na naaresto kahapon kaugnay ng kaso, ay pansamantala namang pinalaya matapos ang isinagawang imbestigasyon.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy pa ring nililinaw ang kanyang posibleng kaugnayan sa insidente.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng mga kinauukulan upang matukoy ang buong detalye ng pangyayari at matiyak ang pananagutan ng driver ng van na sangkot sa hit-and-run incident.










