Nagpakawala ng ballistic missiles ang Houthi forces laban sa Aden International Airport sa Yemeni port city ng Aden na kontrolado ng kinikilalang gobyerno ng Yemen, ngunit walang naiulat na nasawi o nasugatan.
Samantala, sinabi ng Saudi-led coalition na naharang nito ang isa pang Houthi missile na pinaputok sa hilaga ng Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon naman sa mga puwersang Yemeni na suportado ng Saudi Arabia, pinalakas nila ang kanilang kontrol sa pinakamataas na bahagi ng Jabal Habashi district sa Taiz bilang bahagi ng tinatawag na “Dawn of Yemen” operation para mabawi ang mga teritoryong hawak ng Houthi fighters.
Sinabi rin ng Saudi-led coalition na ang kabisera ng Yemen na Sanaa, gayundin ang Saada at Amran governorates, ang pinagmumulan umano ng mga banta ng missile ng Houthi laban sa Saudi Arabia.











