--Ads--

Nagpahayag ng kahandaang tumulong ang ilang foreign partners ng Pilipinas matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao kahapon, ayon sa Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines na si Romeo Brawner Jr..

Ayon kay Brawner, kabilang sa mga militar na nakipag-ugnayan at nag-alok ng suporta ang Estados Unidos, Japan, Indonesia, at iba pang bansa habang patuloy na sinusuri ng pamahalaan ang lawak ng pinsala nito.

“Maraming counterparts galing sa iba-ibang bansa ang tumawag sa akin at nag-offer ng kanilang tulong, katulad ng US, Japan, Indonesia and other countries,” ani Brawner.

“Ang sinabi po nila, kung ano ang kinakailangang tulong ay pwede silang magbigay. Right now, we’re doing the evaluation under the supervision of the OCD,” dagdag pa niya

--Ads--

Ipinabatid din niya na agad na nagpadala ng mga sundalo sa mga apektadong lugar matapos ang malakas na lindol, mula sa iba’t ibang infantry divisions ng AFP, upang tumulong sa search, rescue, retrieval, at relief operations sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno.

Ayon pa sa AFP, wala pang naitatalang malalaking pinsala sa mga military facilities at wala ring ulat ng mga nasugatan o nasawing sundalo sa ngayon.