--Ads--
Mananatili sa alas-10 ng umaga ang iskedyul ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Agosto 17, sa kabila ng mungkahing ilipat sa hapon ang pagdinig.
Inanunsiyo ito ni impeachment court presiding officer Chiz Escudero matapos ang ika-15 araw ng paglilitis nitong Miyerkoles, Agosto 12.
Mungkahi naman ni Senator-Judge Juan Miguel Zubiri na ilipat sa alas-3 ng hapon ang mga pagdinig upang hindi maputol ang paglilitis kapag kailangan nang dumalo ng mga senador sa kanilang legislative sessions.
Gayunman, sinabi ni Escudero na maaari pa ring baguhin ang iskedyul kung kinakailangan, ngunit kailangan muna itong mapag-usapan at hindi maaaring basta-basta baguhin ang schedule ng paglilitis.
--Ads--











