--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay ang isang kalabaw sa ilog na bahagi ng Brgy. San Jose, Quirino, Isabela.

Ang naturang kalabaw ay isang lalaki at tinatayang nasa limang taong gulang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Wilson Tabuyo ng Brgy. San Jose, sinabi niya na kumukuha ng mga naanod na kahoy ang mga tanod sa naturang barangay nang makita nila ang wala ng buhay na kalabaw na naanod sa ilog.

Hindi naman nila matukoy kung saang lugar ito galing ngunit hinala nila ay mula ito sa lungsod ng Ilagan, bayan ng Bugos o Roxas.

--Ads--

Nagtungo naman ang kapulisan sa kanilang lugar at inabisuhan sila na huwag itong katayin dahil baka mayroong mag-claim sa katawan nito.

Nanawagan naman siya sa mga magsasaka pangunahin na ang mga nawawalan ng kalabaw na magtungo lamang sa kanilang brgy sa San Jose, Quirino, Isabela.