CAUAYAN CITY – Nakubkob ng mga sundalo ang kampo ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at narecover ang ilang armas kabilang ang isang M16 armalite rifle matapos ang 10 minutong sagupaan sa Disulap, San Mariano, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sgt. Jake Lopez ng 502nd Infantry Brigade Philippine Army na nagsagawa ng pagpapatrolya ang mga miyembro ng 95th Infantry Batallion dahil sa nakalap nilang impormasyon sa mga sibilyan na may mga grupo ng rebelde ang nangingikil sa mga kandidato sa barangay Disulap.
Dahil dito nagkaroon ng 10 minutong sagupaan.
Pinaniniwalaang may casualty sa panig ng mga rebelde dahil may nakitang buhat ang ilang tumatakas papunta sa kabundukan bahagi ng San Mariano, Isabela.
Walang nasugatan o nasawi sa mga sundalo sa naganap na engkuwentro.