--Ads--

CAUAYAN CITY – Apektado ang kita ng mga jeepney drivers sa Lungsod ng Cauayan dahil sa nararanasang tindi ng init ng panahon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Felix Dacquel, isang jeepney driver, sinabi nito na ang dating 1,000 pesos hanggang 1,500 na kita nila kada araw  ay nagiging 500 na lamang.

Aniya,  kakaunti lamang ang mga pasahero sa ngayon dahil bihira na lamang umano ang mga lumalabas ng bahay para mamasyal.

Labis din aniya na naka-apekto sa kanila ang pag-kansela ng klase ng mga estudyante.

--Ads--

Dahil ilang linggo na aniya na kanselado ang mga klase ng estudyante ay  ilang linggo na rin umano silang halos walang kita.

May pagkakataon umano na lima lang ang kanilang pasahero mula Lungsod ng Ilagan hanggang dito sa Cauayan City.

Pagdating naman dito sa Lungsod ng Cauayan ay kinakailangan pa umano nilang maghintay ng isa hanggang dalawang oras para mapuno ang jeep dahil sa kakaunti ang mga pasahero.