--Ads--

Naiwasan ang isang nakaambang trahedya matapos matagumpay na mailigtas ng mga tauhan ng Traffic Emforcement Unit ng Santiago City Police Office ang isang lalaking nagtangkang wakasan ang sariling buhay sa Barangay Malvar, Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Master Sergeant Redentor Cairel, nagsasagawa sila ng regular na pagpapatrolya nang nilapitan sila ng isang batang humihingi ng agarang saklolo para sa kanyang kapatid na nagtatangkang kitilin ang kanyang sariling buhay habang nagsasagawa ng live video sa social media.

Aniya, hindi na nag-atubili ang kanilang hanay at nang makarating sa bahay ng biktima ay nadatnan nila itong nakahawak ng kutsilyo na nakatutok sa kanyang tiyan.

Dagdag niya, hindi sila gumamit ng pwersa o dahas, bagkus ay kinausap ito ng mahinahon upang mapahupa ang tensyon.

--Ads--

Sa pamamagitan nito, matagaumpay nilang napigilan ang nakaambang kapahamakan at naagaw ang hawak na patalim ng lalaki  nang walang sino man ang nasugatan o nasaktan.

Samantala, lumabas sa pahayag ng magulang ng lalaki na dumaranas ito ng depression na pinananiwalang dulot ng suliranin sa pag ibig.

Matapos humupa ang tensyon, agad na pinatawag ang mga opisyal ng nasabing barangay upang mabigyan ng kaukulang atensyon at suporta ang lalaki.

Samantala paalala nito na huwag kimkimin ang mga nararamdaman at humingi ng tulong o suporta sa kanilang mga pamilya, kaibigan o mga kinauukulan.