--Ads--

CAUAYAN CITY – Namatay ang isang magsasaka na sakay ng bisikleta matapos na mabangga ng Florida bus sa lansangang nasasakupan ng San Antonio Roxas, Isabela.

Ang biktima ay si Saturnino Parinas Sr.,50-anyos,may-asawa, magsasaka at residente ng Sandiat Centro,San Manuel,Isabela.

Ang tsuper ng bus ay si Saturnino Tingle, 46-anyos, may-asawa at residente ng Casigayan, Tabuk City, Kalinga.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumalabas sa pagsisiyasat ng Roxas Police Station na binabagtas ng nasabing bus ang pambansang lansangan patungong hilagang direksyon ng makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay tumawid umano ang biktima na lunan ng bisikleta patungo sa kabilang linya ng kalsada ng mabangga ng bus.

--Ads--

Nagtamo ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Parinas na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ang tsuper ng bus ay nasa kustodiya ng Roxas Police Station para sa kaukulang disposiyon.