--Ads--
Inanunsyo ni Energy Secretary Sharon Garin ang pagdating ng mahigit 300,000 barrels ng diesel na binili ng pamahalaan upang palakasin ang suplay ng langis sa gitna ng krisis sa Middle East.
Ayon sa kalihim, dumating ang 329,000 barrels o higit 52 milyong litro ng diesel mula Malaysia na inangkat ng Philippine National Oil Company-Exploration Corp. (PNOC-EC).
Layunin ng hakbang na mapalakas ang imbentaryo ng langis habang nagpapatuloy ang tensyon sa Middle East.
Bahagi ito ng kabuuang 900,000 barrels ng diesel na inaasahang darating ngayong Abril sa tatlong batch. Ang susunod na mga delivery ay magmumula sa North Asia, India, at Oman.
--Ads--
Ayon sa Department of Energy, sapat pa rin ang suplay ng diesel sa bansa sa loob ng humigit-kumulang 47 araw.











