--Ads--

CAUAYAN CITY – Pangunahing tututukan ng mga nagbabantay sa mga boarder checkpoint sa lunsod ang mga delivery trucks habang nakasailalim ang lunsod sa General Community Quarantine (GCQ) bubble.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni POSD chief Pilarito Malillin na naghigpit na sila sa mga boarder checkpoints sa lunsod dahil ang mga unang naitalang kaso ay mula sa mga nagdedeliver ng goods na mula sa ibang probinsya.

Kailangan nilang magpakita ng kaukulang dokumento sa pagbiyahe, negatibong resulta ng RT-PCR test o di naman kaya ay COVID-19 vaccination card.

Sa mga taga-Isabela naman na dadaan sa lunsod at hindi tatamaan ng number coding scheme ay papayagang dumaan pero kung may mahalagang pupuntahan sa lunsod ay titignan din kung mayroon silang antigen test o RT-PCR test result o di kaya ay COVID-19 vaccination card.

--Ads--

Kung wala naman ay mag-iwan na lamang ng ID sa checkpoint at point to point lamang ang kanilang pupuntahan.

Nanawagan naman siya sa mga punong barangay sa lunsod ng Cauayan na ire-activate ang kanilang barangay checkpoints at huwag ng hintayin na makapasok ang Delta variant sa kanilang mga lugar lalo na at karatig na bayan lamang ng lunsod ang Luna, Isabela na nakapagtala ng isang kaso ng delta variant.

Bahagi ng pahayag ni POSD chief Pilarito Malillin