
A Royal Air Force C17 Globemaster transport aircraft awaiting its cargo at Kandahar Airfield in Afghanistan. The C-17 Globemaster III is the latest addition to the RAFs inventory of transport aircraft. It is capable of rapid, strategic delivery of troops and all types of cargo to main operating bases anywhere in the world, or directly to more temporary forward operating bases owing to its short field capability. The design of the aircraft allows it to carry out high-angle, steep approaches at relatively slow speeds, thus allowing it to operate into small, austere airfields onto runways as short as 3,500 feet long and only 90 feet wide. The aircraft can operate into and out of problematic sites such as those surrounded by inhospitable terrain or made difficult by adverse weather conditions.
CAUAYAN CITY– Pitu pang Pilipino ang dumating sa Birmingham matapos ilikas sa Afghanistan ng British Army.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Mark Donald Suela, kasapi ng security team ng isang British Company na unang dumating sa United Kingdom na labing-isa silang Pilipino na naka-quarantine ngayon sa isang hotel.
Kabilang aniya sa mga Pilipinong pinakahuling dumating sa hotel si Ginoong Joseph Glenn Gumpal, Pangulo ng Samahang Pinoy sa Afghanistan (SPA).
Ayon kay Ginoong Suela, unti-unting nailalabas sa Afghanistan ang mga Pinoy. Ang iba aniya ay nailikas sa Pakistan at iba pang bansa malapit sa Afghanistan.
May iba pang mga naiwan at nangangamba sila habang naghihintay ng flight palabas sa naturang bansa.
Samantala, minomonitor din ng Philippine Embassy sa London ang kalagayan ng mga Pilipino na inilikas sa UK mula sa Aghanistan.
Sinabi ni Ginoong Suela na nagbigay na ng tulong ang embahada at may nakipag-ugnayan na rin sa kanila mula sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.
May mga Pilipino ring nakatira malapit sa mga hotel kung saan sila naka-quarantine na nagbigay ng mga tulong.










