Patuloy na humihirap ang pamumuhay ng mga tricycle driver sa Santiago City, lalo na ang mga nagba-boundary sa pagharap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Marlon Samin, isang tricycle driver, sinabi nito na kumikita siya ng humigit-kumulang ₱1,000 kada araw, ngunit ₱600 nito ay napupunta lamang sa gasolina.
Dahil dito, ₱400 na lamang ang natitira para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ilan sa mga tsuper tulad niya ang napipilitang kumain lamang ng dalawang beses sa isang araw, imbes na tatlong beses, upang makatipid.
Aniya, kung patuloy pang tataas ang presyo ng gasolina, posibleng tuluyan na silang huminto sa pamamasada at maghanap ng ibang pagkakakitaan. May ilang tsuper na rin ang tumigil na sa pamamasada dahil sa hirap ng sitwasyon.
Sa kabila nito, maraming tricycle driver ang nagpapatuloy sa pamamasada dahil wala silang ibang mapagkukunan ng kita. Pinipilit na lamang anila na pagkasyahin ang kanilang araw-araw na kinikita, kahit pa isinasakripisyo ang pagkain at iba pang pangangailangan ng pamilya.
Samantala, maraming tricycle driver sa lungsod ang walang sariling sasakyan at umaasa lamang sa boundary system kaya direktang naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ang kanilang kabuhayan at araw-araw na kita at dahil dito napipilitang bawasan ng ilan ang pagkain at ipagsiksik ang pang-araw-araw na gastusin upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Home Local News
Mga tricycle driver, pangunaging apektado sa tuloy-tukloy na pagsirit ng petrolyo
--Ads--











