--Ads--

CAUAYAN CITY- Dahil sa mas pagpapaigting ng kapulisan ng Cordillera sa kampanya kontra kriminalidad, arestado ng Baguio City PNP ang No.1 Most Wanted Person City Level sa kasong Murder sa Agno, Pangasinan.


Matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba sa pangunguna ng Police Station 9 katuwang ang CIU at CIDMU ng BCPO at Agno Municipal Police Station.


Arestado ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inihain noong ika-5 ng May 2025 sa Baguio City na walang inirekomendang pyansa.

Dinala ang akusado sa tanggapan ng pulisya para sa tamang dokyumentasyon at wastong disposisyon bago i-turn over sa kinauukulang hukuman.

--Ads--


Ang matagumpay na pag-aresto ng Pambansang Pulisya sa mga may sala sa batas ay patunay na mas pinapaigting ang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.