--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis na natutuwa ang Pagaran triplets na nagtapos na cum laude sa kursong B.S. Agriculture sa Isabela State University (ISU) Cabagan Campus matapos silang pumasa sa Agriculturist Licensure Examination na ginanap noong November 5, 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jack Pagaran, Science Research Assistant ng Regional Field Unit ng Department of Agriculture (DA) region 2 at residente ng Sta. Maria, Isabela, sinabi niya na halos hindi sila makatulog ilang araw bago lumabas ang resulta ng pagsusulit.

Aniya, alas kuwatro ng madaling araw nang  ipabatid ng kanyang kasama sa trabaho  na lumabas na ang resulta ng board exam.

Bago sila kumuha ng exam ay nagtungo sila sa Our Lady of Piat sa Piat, Cagayan para ipanalangin na makapasa silang lahat sa pagsusulit.

--Ads--

Sinabi ni Mr. Pagaran na nais niyang manatili sa kanyang trabaho sa DA region 2.

Ang kanyang mga kakambal na sina Ace at King Pagaran naman ay empleado ng DA sa Nueva Vizcaya.

Hinikayat niya ang mga kukuha ng board exam na maging masipag sa pagbabasa at pagrereview  para makapasa.

Ang tinig ni Mr. Jack Pagaran