
CAUAYAN CITY– Inside job ang tinitignang anggulo ng mga kasapi ng Cauayan City sa naganap na panghoholdap sa isang pawnshop na nasa tabi ng pribadong pamilihan dakong alas dose ng tanghali.
Lulan umano ng motorsiklo ang nag-iisang nangholdap sa Galaxy Pawnshop sa barangay San Fermin.
Patuloy ang ginawang pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station at hindi pa matukoy kung magkano ang perang natangay ng pinaghihinalaan.
Bukod sa pera ay tinangay din ng pinaghihinalaan ang ang mga alahas sa naturang pawnshop.
Sa inisyal na pakikipag-ugnayan din ng Bombo Radyo Cauayayn sa mga kapulisan ay tinitignan sa ngayon ang posibilidad na mayroon nangyaring Inside job.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang malalimang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa naturang insidente.










