--Ads--

Nakipag-ugnayan ang Philippine Embassy in Abu Dhabi sa mga kamag-anak ng isang Pilipinong iniulat na naaresto sa United Arab Emirates dahil sa pag-post ng content tungkol sa mga insidente sa Middle East sa social media.

Ayon sa embahada, tutulungan nila ang depensa ng mga naarestong Pilipino.

Nitong nakaraang linggo, pinaalalahanan na ng embahada ang mga Pilipino na maging maingat sa paggamit ng social media at messaging platforms at umiwas sa pagpo-post, pag-forward, o pag-komento sa hindi beripikado at mga social media content na may kinalaman sa seguridad.