--Ads--

Ipinatigil ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng manok, itlog, day-old chicks, at iba pang produktong mula sa Indiana, Estados Unidos, kasunod ng pagkalat ng highly pathogenic H5N1 avian influenza sa naturang estado.

Ayon sa pahayag ng DA nitong Sabado, inisyu ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang agarang import restriction, na ipinagbabawal ang shipments ng manok, itlog, day-old chicks, at semen mula sa naturang estado.

Sinabi ng DA na ang hakbang ay bunsod ng multiple outbreaks ng highly pathogenic H5N1 strain sa Indiana, batay sa ulat ng US Department of Agriculture – Animal and Plant Health Inspection Service (APHIS) noong Pebrero 23, 2026, na nakumpirma rin ng National Veterinary Services Laboratories sa Ames, Iowa.

Dagdag pa ng ahensya, ang mabilis na pagkalat ng virus sa US ay nag-udyok sa pagpapalawak ng trade restrictions upang maprotektahan ang multibillion-peso poultry industry ng Pilipinas laban sa posibleng exposure sa sakit.

--Ads--