Patuloy na pinalalawak ng BINI ang kanilang presensya sa international music scene sa paglabas ng kanilang bagong kanta na “A Parallel World,” na bahagi ng soundtrack ng pelikulang Forgotten Island, ngayong Hulyo 23.
Noong Hulyo 20, inilabas ng DreamWorks sa social media ang teaser ng kanta at inanunsyo ang paglabas nito sa lahat ng digital streaming platforms.
Samantala, nakatakda ring magtanghal ang nation’s girl group sa prestihiyosong Summer Sonic 2026 sa Japan na gaganapin sa Osaka at Tokyo mula Agosto 14 hanggang 16.
Aakyat ang BINI sa Mountain Stage kasama ang mga kilalang international artists tulad nina Jennie ng Blackpink, David Byrne, Jamiroquai, Kodaline, at Suede.
Matapos ang matagumpay na sold-out Signals World Tour – Cebu leg, naghahanda rin ang grupo para sa mga susunod nilang pagtatanghal sa iba’t ibang bahagi ng North America bilang bahagi ng kanilang world tour sa susunod na buwan.








