CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaang lokal ng Cauayan upang masolusyunan ang madalasang pagbaha na nararanasan sa Lungsod tuwing tag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Sanguniang Panlungsod Member Edgardo “Egay” Atienza, sinabi niya na tuloy-tuloy ang pagsasaayos sa mga drainage canals sa Lungsod kaya kahit papaano ay naibsan ang labis na pagbaha.
May mga bagong canal na rin aniyang nagawa sa mga barangay na madalas mabaha gaya na lamang sa Cabaruan, San Fermin at Alicaocao.
Kung dati aniya ay labis ang pagbaha sa Muslim Center sa Cabaruan, ngayon ay hindi na ito ganoon kalala matapos pasinayaan ang bagong canal sa lugar.
Isa naman sa mga tinitinignang dahilan ng pagbaha ay ang pagkabara ng mga natural water ways kaya hindi makadaloy ng maayos ang mga tubig.
Gayunpaman ay hindi aniya sila tumitigil sa pagsasaayos ng mga canals upang matiyak na matuldukan ang problema sa baha ng Cauayan City.