Sugatan ang isang ginang at isang rider matapos mabangga ng motorsiklo ang isang e-bike sa provincial road ng Sagana, Santiago City.
Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Albert, residente ng barangay Patul, Santiago City habang ang Ginang naman na operator ng e-bike ay si Andrea, 66-anyos, residente ng San Jose, Santiago City.
Batay sa paunang imbestigason ng Pulisya, binabagtas ng motorsiklo ang kalsada patungong barangay Baluarte habang tumatawid naman ang e-bike. Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nabangga ng motorsiko ang kaliwang harapan ng e-bike dahilan upang tumilapon ang operator nito.
Kapwa magtamo sugat sa katawan ang mga sangkot.
Agad na isinugod ang biktima sa isang pagamutan sa Calaocan, Santiago City habang dinala naman sa Southern Isabela Medical Center ang rider para lapatan ng lunas.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.











