
CAUAYAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaki na nanghold-up sa isang kooperatiba sa Almaguer North, bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya.
Ang naturang kooperatiba ay ang Piwong Cooperative at ang pinaghihinalaan ay hindi pa natukoy.
Gayunman siya ay nakasuot ng itim na helmet na kulay itim at pula, itim na sweatshirt, short pants na kulay cream, nakatsinelas, sumakay sa isang Honda click motorcycle na kulay blue nang isagawa ang pagnanakaw gayundin na may taas na 5’6.
Pumasok ang pinaghihinalaan sa naturang kooperatiba at naglabas ng baril at itinutok sa ilang empleyado na kinilalang sina Ellen Yogyog at Yvone Timmanan at nagdeklara ng hold up.
Pagkatapos makakuha ng pera na nagkakahalaga ng halos isang libong piso ay agad na tumakas ang suspek patungo sa timog na direksyon.
Agad namang nagsagawa ng operasyon ang pulisya para sa ikadarakip ng suspek at para maibalik sa kooperatiba ang ninakaw nito.










