--Ads--

Hindi pa natutukoy hanggang sa ngayon ang pagkakakilanlan ng bangkay ng isang babae na natagpuan sa ilalim ng isang tulay sa Barangay Gappal, Cauayan City, Isabela nitong Pebrero 5, 2026.

Batay sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, wala pang nagtutungo sa kanilang tanggapan upang kilalalin ang naturang bangkay.

Ang naturang biktima ay may tattoo na “20,” “Guardians,” at “Inday” na nakaukit pa-triangle. Nakasuot ng maong na skinny jeans at itim na hoodie jacket. Mayroon din itong peklat o birthmark sa likod.

Dahil dito, hinihikayat ng mga kapulisan ang publiko na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya kung may hawak na impormasyon na maaaring makatulong sa pagkakakilanlan ng biktima.

--Ads--