--Ads--
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi nito inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa merkado sa kabila ng ipatutupad na panibagong oil price hike ngayong linggo.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, nananatiling matatag ang suplay at presyo ng bigas sa bansa. Aniya, kahit isinama na sa pagtaya ang pinsalang dulot ng apat na nagdaang bagyo, wala pa ring nakikitang epekto ito sa presyo ng pangunahing pagkain.
Sa kasalukuyan, nasa ₱48 hanggang ₱55 kada kilo ang presyo ng bigas sa mga pamilihan. Samantala, nagpatupad naman ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo kung saan tumaas ng ₱4.69 kada litro ang gasolina, ₱5.18 kada litro ang diesel at ₱5.58 kada litro ang kerosene.










