--Ads--

Arestado ang isang 61-anyos na lalaki na kabilang sa mga most wanted person sa rehiyon matapos ipatupad ang warrant of arrest laban sa kaniya sa Barangay Quiling, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Erning,” residente ng Burgos, Isabela, na naaresto dakong alas-2:20 ng hapon noong Oktubre 10, 2026.

Pinangunahan ng Burgos Municipal Police Station ang operasyon, katuwang ang Police Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office at CIDG Isabela Provincial Field Unit.

Kinakaharap ng suspek ang kasong statutory acts of lasciviousness, na may inirekomendang piyansang ₱180,000 para sa pansamantalang kalayaan.

--Ads--

Samantala, hinikayat ng Isabela Police Provincial Office ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad at magbigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon na makatutulong sa pag-aresto sa iba pang mga wanted person sa lalawigan.