--Ads--
Inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, kung saan aabot sa ₱12.50 hanggang ₱13.50 kada litro ang posibleng rollback sa gasolina.
Tinatayang ₱4.30 hanggang ₱4.50 kada litro naman ang ibabawas sa presyo ng diesel.
Batay ito sa price outlook na inilabas ngayong Nobyembre 6, 2026, para sa inaasahang oil price adjustment simula sa susunod na linggo.
Gayunman, hinihintay pa ang kumpirmasyon ng mga kumpanya ng langis sa eksaktong halaga ng bawas-presyo.
--Ads--











