--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng Ramon Police Station para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng isang barangay tanod na natagpuang palutang-lutang sa irrigation canal sa Purok 5, Bantug, Ramon, Isabela.

Ang biktima ay si Manuel Agustin, 56 anyos, may-asawa at residente ng Purok 7, Oscariz, Ramon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, natagpuan ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa irigasyon sa nasabing lugar.

Ang katawan ng biktima ay dinala sa isang punerarya para sa autopsiya upang malaman kung ano ang dahilan ng kanyang kamatayan.

--Ads--