--Ads--

Muling nag paalala ang Commission on Election o Comelec Region 2 ang paghahain ng Statement of Contribution and Expendeture o SOCE para sa mga kandidato sa nagdaang halalan noong Mayo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez ng Comelec Region 2, sinabi niya na hanggang June 11 alas singko ng hapon na lamang maaaring mag file ng Statement of Contribution and Expendeture o SOCE ang mga tumakbong kandidato.

Batay sa kaniyang mga nakalap na impormasyon may ilang mga winning candidate parin ang hindi pa nakakapag hain ng SOCE.

Babala niya na ang hindi paghahain ng SOCE ay may epekto sa pag-upo sa pwesto ng kandidato at wala pang mga kandidato ang nabigong maghain nito sa kasaysayan ng halalan batay sa Comelec at ang hindi paghahain ay maaaring mapatawan ng multa at disqualification para hindi na makatakbo sa susunod na halalan.

--Ads--

Aniya obligasyon ng mga kandidato na ideklara ang kanilang nagastos sa kanilang SOCE kung saan nakasaad sa batas na tatlong piso lamang ang maaaring gastusin bawat botante para sa mga may partido at limang piso para sa mga walang partido.

Magtatapos na rin ang election period ng Comelec sa June 11 kaya babalik na sa defualt mode ang Comelec at maaari nang magpatuloy ang mga aktibidad ng LGU kabilang ang midnight appointments at promotions.

Paalala naman niya na hindi maaaring ma-appoint ang mga elective officials na natalo sa nakalipas na halalan sa loob ng isang taon dahil sa 1 year ban rule.

Samantala bubuksan ng Comelec ang voter’s registration para sa BSKE 2025 na gaganapin mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 11.

Bukas ang registration para sa mga mag papa re-activate at change status.

Tiniyak naman nila na ma-accommodate ng Comelec ang lahat ng mga botante na mag paparehistro .

Sa ngayon wala pa namang derektiba para sa implementasyon ng night registration para mas mapalawig pa sana ang registration.

Kaugnay nito ay hindi na tatanggapin ng Comelec ang Barangay Certification at Police Certification bilang proof of identity para maiwasan ang anumang anomalya.