--Ads--

Plano ng Department of Agriculture (DA) na higpitan ang polisiya sa pag-angkat ng asukal upang mapalakas ang lokal na industriya at mabawasan ang pagdepende sa imported na suplay.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., lilimitahan lamang ang pag-angkat sa daming kinakailangan ng bansa upang mapanatili ang sapat na suplay at maiwasan ang labis na paggalaw ng presyo sa merkado.

Samantala, maglalaan din ang DA ng ₱300 milyon sa 2027 budget para sa pagtatayo ng mga laboratoryo laban sa red-striped soft-scale insect o RSSI, isang peste na nakababawas ng hanggang 50 porsiyento sa sugar content ng tubo at patuloy na banta sa industriya ng asukal.