--Ads--

Kailangang muling manalo ng Gilas Pilipinas kontra Iran ngayong Linggo, Agosto 30, upang mapalakas ang kanilang tsansa na makapasok sa FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos ang dikit na 82-81 panalo laban sa Jordan.

Ayon kay Gilas head coach Tim Cone, kailangan nilang makakuha ng lima hanggang anim na panalo sa kasalukuyang qualifying round, kaya mahalaga ang kanilang laban kontra Iran ngayong gabi.

Dahil sa panalo ng Gilas at pagkatalo ng Iran sa New Zealand, tabla ngayon sa 5-2 ang Jordan, Iran at New Zealand, habang nangunguna ang Australia sa Group E na may 7-0 kartada.

Binigyang-diin ni Cone na hindi sila maaaring umasa sa resulta ng ibang koponan at kailangang pagtuunan ang sarili nilang laro.Samantala, papalitan ni Justin Arana si Carl Tamayo sa laro matapos ma-injure ang kanyang left ankle sa laban kontra Jordan.

--Ads--