--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinansela na ni Governor Rodito Albano ang klase ngayong hapon hanggang bukas sa lahat ng level sa public at private schools sa Isabela bilang precautionary measures sa posibleng panganib na dulot ng bagyong Jenny dahil nasa signal #2 na ang Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Albano, sinabi niya na layunin ng kanyang hakbang na maiwasan ang anumang epekto ng bagyo lalo na kung malakas ang dala nitong hangin at ulan.

Sinabi pa ng gobernador na mahigpit na ring ipinapatupad ang liquor ban o pagbabawal sa pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alak sa buong lalawigan para hindi maaapektuhan ang paghahanda sa bagyo ng mga mamamayan.

Ang tinig ni Gov Rodito Albano

Hinggil sa pasok ng mga pampublikong tanggapan, sinabi ni Gov. Albano na ipinauubaya niya ang desisyon sa pagkansela sa pasok ng mga empleado ng gobyerno sa mga Local Government Units at mga national agencies.

--Ads--