--Ads--
Nanawagan si Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Miyerkules na tuluyang bawiin ang mga lisensya ng mga iresponsableng motorista na nasasangkot sa insidente ng road rage at aksidente sa kalsada.
Binigyang diin ni Senate President Escudero ang kahalagahan ng disiplina sa lansangan, at iginiit na ang pagkakaroon ng driver’s license ay isang pribilehiyo at hindi karapatan.
Dagdag pa niya, upang masigurong ligtas ang mga lansangan, hindi sapat ang suspensyon ng lisensya dapat itong tuluyang bawiin mula sa mga pasaway na motorista.
--Ads--