--Ads--

Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P8 bilyong pondo para sa salary adjustment ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa DBM, gagamitin ang pondo para sa mga posisyong na-reclassify sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System ng Department of Education (DepEd).

Tinatayang 93,344 na reclassified positions ang makikinabang sa salary differentials kaugnay ng kanilang bagong mga posisyon.

Saklaw ng pondo ang mga personnel na may Notice of Organization, Staffing, and Compensation Action (NOSCA) at may mga appointment para sa kanilang reclassified positions.

--Ads--

Samantala, umabot sa P12.09 bilyon ang nakalaang pondo para sa ECP System sa panukalang 2027 national budget, mas mataas ng halos P6 bilyon kumpara sa kasalukuyang taon.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga guro ng mas maraming oportunidad para sa career advancement at mas mataas na sahod nang hindi kinakailangang umalis sa pagtuturo.