
CAUAYAN CITY – Inaasahang magdudulot ng malaking energy crisis sa mga bansa sa Europe ang pag-shutdown ng Nord Stream 2 gas pipeline.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Alma Arcilla na tuluyang ipinasara noong July 11 ang Nord Stream 2 gas pipeline na patungong Germany na makakaapekto sa ilang kalapit na bansa.
Ito ay bukod pa sa ginagawang on and off na operasyon ng Nord Stream 1.
Ito ang counterpart ng Russia sa ipinatutupad na sanctions laban sa naturang bansa dahil sa paglusob sa Ukraine.
Inaasahang magdudulot ito ng Energy Crisis sa Uropa at maaari itong magtagal.
Nanindigan naman ang Germany na hindi ito makakaapekto sa kanilang supply ng gas dahil nakatakda naman na tumulong ang Canada.
Gayunman ay nakikitang magkakaroon ng energy crisis ang mga bansang nakapaligid sa Germany.
Nagbebenta na rin ang Russia ng mga gas, energy at oil sa mga unfriendly neighboring counties ngunit ang ibabayad sa kanila ay rubles at hindi nila tinatanggap ang dollars o euro.
Sa ngayon ay nararamdaman na rin ang pagbaba ng ekonomiya ng Russia dahil sa ipinapatupad na sanctions sa kanila bukod pa sa pandemya.










