--Ads--

Inihayag ng Malacañang nitong Huwebes na hindi naramdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siya ay pinatatamaan sa pahayag ni dating House Speaker Martin Romualdez na ang “command responsibility” sa 2025 budget mess at sa kontrobersya ng katiwalian sa mga proyektong pang-imprastruktura ay nasa sangay ng Ehekutibo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mismong si Marcos ang nag-utos ng imbestigasyon sa umano’y iregular na mga flood control projects bilang pagtupad sa prinsipyo ng command responsibility.

“Anumang depensa na gagawin laban sa posibleng akusasyon kay dating Speaker Romualdez, iyon ay kanya,” ani Castro sa isang press conference.

Dagdag pa niya, “Kung sinasabi niyang ang ehekutibo ay may command responsibility, iyon mismo ang dahilan kung bakit nagbigay ng utos ang Pangulo”hindi binalewala ang usapin, walang pagtatakip, at siya mismo ang nagpasimula ng imbestigasyon. Kaya kung may mga anomalya at kung sino man ang dapat managot, sila ay dapat managot.”

--Ads--